ACCOMPLISHMENTS IBINIDA NG BOC-IG SA CONFERENCE

IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BOC-IG) ang kanilang accomplishments sa isinagawang 4th Quarter Command Conference.

Kabilang din sa mga tinalakay ang ‘share best practices, and set targets, plans, and programs for 2024.’

Bilang kinatawan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, inihatid ni Deputy Commissioner of IG Juvymax R. Uy, ang mensahe para sa mga kalalakihan at kababaihan ng Intelligence Group.

Partikular dito ang kahalagahan ng kontribusyon ng IG sa pangkalahatang mga nagawa ng bureau at pagkilala sa mga pagsisikap ng grupo sa epektibong paglaban sa smuggling at iba pang klase ng pandaraya sa customs.

Bukod dito, ang mga empleyado ay nagpakita ng outstanding dedication sa kanilang mga trabaho na binigyan ng pagkilala sa nasabing kumperensiya.

Sa huling bahagi ng Commissioner’s message, binati ni Deputy Commissioner Uy ang mga tauhan ng IG sa kanyang pamumuno, sa pagsusumikap ng mga ito na makamit ang pivotal milestones na kapakinabangan para sa paglago ng bureau.

(JO CALIM)

74

Related posts

Leave a Comment