Asukal kumpiskado rin sa Maynila SUGAR SMUGGLING BIGO SA BATANGAS

Ni JOEL O. AMONGO

TIMBOG sa magkahiwalay na operasyon kontra smuggling sa lalawigan ng Batangas at Lungsod ng Maynila ang hindi bababa sa P263.8-milyong halaga ng primera klaseng asukal mula sa mga bansang Thailand at Malaysia.

Sa ulat ng Bureau of Customs – Port of Batangas, isang barkong may lulang 80 sako ng “refined sugar” ang nasabat ng pinagsanib na pwersa mula sa Customs Police Division – Enforcement and Security Service (CPD-ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Philippine Coast Guard (PCG) sa baybayin sa pagitan ng mga bayan ng Bauan at Mabini sa lalawigan ng Batangas kamakalawa.

Batay sa mga imbestigasyon, isang Thai Sugar Trading Corp. ang nagpadala ng mga sako-sakong refined sugar para sa kum­panyang Stone International Co. Ltd na nakabase sa Pilipinas. Sa isinagawang imbentaryo lumalabas na tumitimbang ng 50 kilos ang asukal na laman ng bawat sako para sa kabuuang halagang P240 milyon.

“We are appalled at the audacity of these groups to continue with their activities despite the BOC’s intensified efforts lately to apprehend them. But thankfully, our team is just as relentless and tenacious to, once and for all, end such reprehensible acts,” galit na pahayag ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Ayon pa sa kawanihan, isang timbre mula sa kanilang impormante ang natanggap ng kanilang tanggapan hinggil sa nakadaong na barko – Voi MV Sunward sa nasabing lalawigan.
Nang beripikahin, lumalabas na wala sa talaan ng kawanihan ang pagdaong ng nasabing barko.

Sa lungsod ng Maynila, hagip din ang P23,847,000 halaga ng smuggled imported refined sugar mula naman sa Hong Kong.

Sa ulat ng Manila International Container Port (MICP), silat ang kargamentong una nang idineklarang “insulator, surge arresters, slipper outsoles and Styrene Butadiene rubber.” Ang consignee – Burias Jang Consumer Goods Trading.

“These past months, the agency has faced a significant amount of attempts to traffic prohibited items, including agricultural pro­ducts, into the country despite the work being done by our dedicated team. Smuggling these items is a serious offense, but these recent operations by the bureau demonstrate the lengths smugglers will go to for their financial gain,” ayon naman kay Customs Deputy Commissioner Juvymax Uy.

256

Related posts

Leave a Comment