BAGONG EXAMINATION AREA BINUKSAN NG BOC-PORT OF MANILA AT ATI

0

Para sa mas lalo pang ikagaganda ng kalakalan sa Manila South Harbor, ang Bureau of Customs (BOC) Port of Manila (POM) at Asian Terminals, Inc. (ATI) ay nagbukas ng karagdagang designated examination area (DEA) na matatagpuan sa Delgado St. Port Area, Maynila.

Ang Delgado ramp kung tawagin nila ay fully operational na matapos na mailagay ang lahat ng security measures sa lugar pati na ang pagtatalaga ng mga personnel mula ESS, CIIS, PDEA, at Coast Guard.

Nagkabit na rin ng mga CCTV sa area.

Apat na slots ang inilagay sa bagong examination area at ilang mga containers din ang pwedeng sumailalim sa eksaminasyon kada araw na makadadagdag din sa kasalukuyang kapasidad ng BOC – POM.

Ayon kay District Collector Michael Angelo Vargas, ang paglalagay ng karagdagang ramp ay may layuning lalo pang mapabilis ang proseso ng mga imported shipments.

Ang idadaan sa Delgado ramp ng BOC – POM ay ang mga nasa ilalim ng tinatawag na priority shipments at mga reefer containers.
Ipinagmamalaki ng BOC Port of Manila ang patuloy nilang paghanap ng paraan na mapaganda ang kalakalan at proteksyon sa ating mga hangganan.

Ito ay dahil na rin sa mandato na nakaatang kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa paglalagay ng karagdagang examination area.
Dahil dito, ay mapapabilis ng BOC ang kanilang cargo clearance para mapabilis pa ang proseso ng mga shipments na dumadating sa bansa. (Joel O. Amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment