BAGONG SANGAY NILIKHA KONTRA GUN SMUGGLING

SA hangaring tutukan at tuluyang wakasan ang operasyon ng mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng mga baril at pampasabog, isang bagong tanggapan ang nilikha ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz – ang Customs Firearms and Explosives Unit (CFEU).

Sa bisa ng nilagdaan ng Customs Memorandum Order 27-2022, nakatakda ring bumalangkas ang ahensya ng mga polisiya at panuntunang alinsunod sa Republic Act 10592 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions and Providing Penalties for Violation Thereof).

“The CFEU is an ad interim unit that will effectively monitor the importation and exportation of firearms and major/minor parts thereof, accessories, ammunition, and controlled chemicals used in manufacturing ammunition, firecrackers, and explosives under Presidential Decree No. 1866,” saad ng BOC sa isang pahayag.

Sa ilalim din ng PD 1866 inilatag ang mga parusa para sa sakoteng umaangkat, nagpapalaganap, nagbebenta at nag-iingat ng mga smuggled na baril at pampasabog.

Paglilinaw naman ng ahensya, kailangan pa rin ng koordinasyon ng CFEU sa mga tanggapan ng Enforcement and Security Service (ESS) sa 17 BOC district collection offices kabilang ang 12 ports of entry tulad ng mga pantalan at paliparan.

Ayon naman kay Ruiz, ang paglikha ng CFEU ay bahagi ng mekanismong katuparan sa direktiba ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr. “When I talked to the President, he gave me five orders that are my marching orders: No. 1, absolutely no drugs; No. 2, no guns; No. 3, eliminate agricultural smuggling; No. 4, increase revenue generation; and No. 5, go for full automation and digitalization. Those, I intend to fulfill to the best of my ability,” pagtatapos ng BOC chief.
(JO CALIM)

9

Related posts

Leave a Comment