BIGAY-PUGAY SA SIPAG, REPORMANG INILATAG

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O.AMONGO

MULA sa nakakadismayang estado, uminog sa pagiging huwaran ang kawanihang dating pulutan sa tuwing pag-uusapan ang malawakang katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Dangan naman kasi, totoong kakaiba na ngayon ang Bureau of Customs. Ang dating sakit sa ulong tanggapan, malaki na ang papel na ginagampanan sa pagbangon na isinusulong ng ating pamahalaan mula sa epekto ng pandaigdigang krisis at pandemyang nagdaan.

Sa madaling salita – bilib ako.

Himayin natin ang mga dahilan. Sa ilalim ng bagong pamunuan ng kawanihang nakabase sa Aduana, nakapagtala ng maraming una sa kasaysayan.

Sa larangan ng paglikom ng pondo mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento, hindi lang basta wagi ang BOC. Ang bawat tanggapan at maging ang 17 distrito, kayod-kabayo para makapagsampa ng pondong higit na kailangan ng pamahalaan para matustusan ang kabi-kabilang programa at proyektong nagbibigay kaginhawaan sa hanay ng mga pangkaraniwang mamamayan.

Katunayan, walang sinayang na oras ang mga kawani ng BOC kesehodang panahon pa ng kapaskuhan – hataw kung hataw, trabaho kung trabaho!

Ang mga padalang Balikbayan boxes ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa kani-kanilang pamilyang andito, tinutukan at pinaspasan ng Manila International Container Port (MICP) hanggang sa makarating sa dapat pagdalhan.

Ang resulta – sina nanay, tatay, ate kuya, mga anak at maging ang sinisintang dyowa, super happy sa regalong handog mula sa dugo at pawis ng mga OFWs na nataon pa sa araw ng Pasko.

Ang 17 district collection offices kumayod ng husto – kabilang ang mga tanggapan ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Cagayan De Oro at Subic. Mga tangkang pagpupuslit ng droga at iba pang kontrabando, agad na sinawata.

Disyembre 21 nang mabulilyaso sa isang pinagsanib na operasyon ng Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang P8.55 milyong halaga ng ecstasy sa lalawigan ng Laguna.

Ilang araw bago ang mismong araw ng Pasko, puspusan rin ang trabaho ng Port of Cagayan de Oro (CDO) sa kanilang spot-check ng mga lumapag na kargamento sa Mindanao Container Terminal Port, PHIVIDEC Compound, Tagoloan sa Misamis Oriental.

Mga mapagsamantalang importers, hindi din umubra Enforcement and Security Service (ESS) at Intelligence and Investigation Service ng BOC-CDO sa tatlong dikit na tangkang magpalusot ng 50,000 kilo ng sibuyas (katumbas ng P81.7 milyon) na laman ng 20 containers mula sa bansang Tsina.

Sa imbestigasyon, lumalabas na Victory JM Enterprise OPC – na naman – ang may-ari ng nasabat ng kargamento.

Swak din sa balde ang 24 containers na naglalaman naman ng mga botcha (frozen meat products) na nakatala naman sa Aster Zenmed Inc.

Yan ang napapala ng mga mapagsamantala!

Kaya naman sa BOC – bilib ako sa inyo! Peksman.

19

Related posts

Leave a Comment