BLUE-SEAL NATISOD SA ZAMBO

0

HINDI nakalusot sa masigasig na paglalayag ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Bureau of Customs (BOC) sa karagatang sakop ng Zambo­anga ang tangkang pagpupuslit ng mga smuggled na sigarilyo sa gawing timog ng bansa.

Sa pagtataya ng BOC, aabot sa halagang P4.8 milyong halaga ng imported na sigarilyong lulan ng dalawang bangkang de motor ang nasabat ng ESS kasama ang mga operatibang mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) 2nd Zamboanga City Mobile Force Company.

Kumpiskado rin ang dalawang bangkang de motor kabilang ang MV Mernalyn Z na kilala sa timog bilang “Jungkong.”

Unang naharang ang MV Mernalyn Z kung saan tumambad ang humigit kumulang 50 master bases ng iba’t ibang tatak ng mga blue-seal na sigarilyo.

Sa pagpapatuloy ng pagpapatrolya, nahagip din ang isa pang sasakyang pandagat na nag­lululan naman ng mas mala­king kargamento – 87 master cases ng mga imported na yosi.

Sa kabuuan, 137 master cases ng smuggled cigarettes na lulan ng dalawang sasakyang pandagat. Nahaharap naman sa kasong paglabag ng Customs Modernization Act ang may-ari ng kargamento at maging ang operator ng mga kumpiskadong bangkang de motor.
(JOEL AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment