BOC, BUMIDA SA P150-M MUNTINLUPA DRUG OPS

ASAHAN ang mas ma­rami – kung hindi man mas malaking huli kontra droga, pagtitiyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kasunod ng matagumpay na anti-illegal drug operation kamakailan sa Lungsod ng Muntinlupa.

Para kay Ruiz, mala­king bentahe sa kampanya ng gobyerno laban sa mga sindikato sa likod ng kalakalan ng ipinagbaba­wal na gamot ang sabayan at sama-samang pagkilos ng kawanihang pinamumunuan, ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang katuwang na tanggapan ng pamahalaan.

Katunayan aniya, ang matagumpay na P150-million drug bust sa Muntinlupa ay bunga ng palitan ng impormasyon sa pagitan ng kanyang tanggapan at ng iba pang anti-narcotics agencies sa pagpigil sa mga tangkang pagpupuslit ng mga kemikal na sangkap sa paggawa ng crystal meth (mas kilala sa tawag na shabu).

“The BOC, through its Manila International Container Port-Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS), was involved in the intelligence build-up and ope­rational planning that also led to the arrest of five people, including a French and a Canadian businessman, and confiscation of almost P150 million worth of shabu in Ayala Alabang Village, Muntinlupa City on Friday, Nov. 18,” ani Ruiz.

Base sa impormasyong nakalap mula sa PDEA, ang mga arestadong suspek ay bahagi ng mas malaking sindikatong may sangay sa mga bansang Mexico, Australia at Canada.

Bukod sa BOC at PDEA, malaki rin ani Ruiz ang naging ambag ng Philip­pine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
“We are working continually to strengthen our collaborative efforts with other partner agencies to end the smuggling of illegal drugs and all other products into the country,” pahabol pa ng BOC chief.

Nito lamang nakaraang buwan, nakapagtala ng record-breaking P6.7-billion drug haul ang pamahalaan sa pinagsa­nib na operasyon ng BOC, PDEA, at PNP.
(JOEL AMONGO)

7

Related posts

Leave a Comment