SA sama-samang pagsisikap para sa pagpapahusay ng koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng Bureau of Customs Port of Cebu at Aviation Security Unit 7 (AVSEU 7), si District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, ay nagsagawa ng courtesy visit noong Nobyembre 16, 2023, sa pangunahing mga opisyal, kasama sina AVSEU 7 chief, P/Col. Arthur A. Salida; Unit Senior Executive Police Officer PEMS Feliciano C. Saludo, Jr., at PCMS Brian Cinco.
Ang pangunahing focus ng meeting ay sumentro sa pagpapaganda ng koordinasyon at pagpapaunlad ng kooperasyon sa pagitan ng Port of Cebu at AVSEU 7.
Layunin ng pagtutulungan na palakasin ang pinagsamang pagsisikap ng mga ahensya, lalo sa pagpapadali ng Level 1 accreditation na ipinagkaloob sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) sa pamamagitan ng Airports Council International (ACI), pagkilala sa hindi natitinag na pangako ng MCIA sa pagbibigay ng pambihirang serbisyo sa kanilang mga pasahero.
Welcome kay District Collector Atty. Morales ang oportunidad upang palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan sa AVSEU 7. Sa magkasanib na pangako sa kahusayan ng dalawang ahensiya, tiniyak ang magkasamang pagtutulungan sa pagmantina ng ACI accredited status ng MCIA, pagtitiyak na ang mga pasahero na parating sa MCIA ay patuloy na maranasan ang top-tier service.
Ang kooperatibang ito ay nakatuon patungo sa pagbibigay ng ‘seamless and superior travel experience for all passengers’.
Si District Collector Atty. Morales ay nagpapahalaga sa cooperative spirit, sinabing “The collaboration between the Bureau of Customs Port of Cebu and AVSEU 7 is a positive step towards enhancing the security and fostering a safe and efficient environment at the Mactan Cebu International Airport. Our joint efforts aim to uphold the ACI accredited status of MCIA, ensuring continued excellence in service for arriving passengers. I am confident that this collaboration will continue to grow stronger in the years to come.”
Kasama ang ibinahaging layunin ng pagbibigay ng top-tier service sa mga pasahero, AVSEU 7 ay nagpahatid ng kanilang imbitasyon kay District Collector Atty. Morales na maging bahagi ng Advisory Council ng AVSEGROUP, binigyang-diin ang halaga ng kanyang kadalubhasaan at pamumuno pati na rin sa mahalagang papel ng Port of Cebu sa aviation security. Bilang tugon ni District Collector Atty. Morales, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagpapatibay ng malakas na inter-agency ties at binigyang halaga ang dedikasyon ng Port of Cebu para suportahan ang mga inisyatiba na pagpapaganda ng airport services and security.
Pahayag pa ni District Collector Atty. Morales na, “I am honored by the invitation from AVSEU 7 and look forward to actively contributing to the Advisory Council of AVSEGROUP.
Our commitment is not only to efficient customs operations but also to collaborative endeavors that enhance the security and service quality of our region. The Bureau of Customs Port of Cebu is committed to working with AVSEU 7 and other key stakeholders to ensure the safety and security of the Mactan Cebu International Airport.
We believe that by working together, we can make a difference in the lives of the people we serve. We are grateful for the opportunity, and we are eager to work with our colleagues to make a positive impact on the aviation industry in the Philippines.”
(JOEL O. AMONGO)
178