BOC-CEBU EXECS KINILALA SA COLLECTORS’ CONFERENCE

SA layuning tiyakin na mapananatili ang direksyong tinatahak ng kawanihan, pinulong kamakailan ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang 17 district collectors na inatasang pangasiwaan angbkalakalan sa kani-kanilang nasasakupang distrito.

Sa ginanap na Collectors’ Conference sa The Reef Island Resort, Mactan, Cebu kamakailan, binigyang pagkilala ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mga haligi ng Port of Cebu.
Kabilang sa mga du­malo sa nasabing pag­titipon ang mga Assistant at Deputy Commissioners, Directors, Division Chiefs, at District Collectors mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

“The Commissioner recently unveiled the priority programs of his administration. As the District Collector of the Port of Cebu, Sir, we pledge our unswerving commitment and dedication to achieve your vision. We believe that under your guidance, you will take the Bureau to greater heights,” ani District Collector Atty. Elvira Cruz.

Panawagan naman ni Rubio sa mga katuwang na district collectors, paigtingin ang mahigpit na implementasyon ng mga umiiral na panuntunan at reglamento para sa mas mataas na antas ng koleksyon.

Inilatag rin ng 17 district collectors ang kani-kanilang revenue plan para sa taong kasalukuyan.

Hindi rin pinalampas ni Rubio ang pagkakataon bigyan ng patunay ng pagkilalang kalakip ng masiglang koleksyon para sa buwan ng Pebrero.

Partikular na binanggit ni Rubio ang mga haligi ng Port of Cebu kaugnay ng matagumpay na pagkakasabat ng mahigit sa 17 kilong shabu — katumbas ng P120 milyon

“It is clear that all the districts are on the right path as seen in the reports that have been presented today. For the hard work of all our collection districts, I express my appreciation and congratulations,” ayon kay Commissioner Rubio sa pagtatapos ng conference.

(JOSE OPERARIO)

35

Related posts

Leave a Comment