BOC CHRISTMAS TREE PINAILAWAN NI COMM. RUBIO

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang pagpapailaw sa Christmas Tree ng Bureau of Customs (BOC) sa Port Area, Manila kamakailan.

Kasama ni Rubio ang pangunahing mga opisyal at empleyado ng bureau, na nagtipon sa isang masa­yang gabi upang saksihan ang monumental lighting ng BOC’s Christmas tree.

Ang Christmas Tree Lighting Ceremony ay nagsisimbolo sa pagkakaisa at pagsama-sama ng kalalakihan at kababaihan ng BOC.

Kasabay nito, opisyal ding winelcome ni Rubio ang kahanga-hangang panahon ng taon ng kapanganakan ni Panginoong Hesus Kristo.

Ang nasabing okasyon din ay nagsisimbolo ng tunay na kahulugan ng Christmas na nagbibigay ng liwanag at pag-asa sa bawat isa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Commissioner Rubio ang kahalagahan ng okasyon at nagpahayag ng pasasalamat sa kalalakihan at kababaihan ng bureau sa kanilang patuloy na suporta at dedikasyon at kahusayan sa serbisyo publiko.

(JOEL O. AMONGO)

155

Related posts

Leave a Comment