PINANGUNAHAN ni Atty. Yasser Ismail A. Abbas, CESO IV, Director III ng Imports and Assessment Service (IAS), ang pagdalo sa ‘specialized training in customs laboratory processes’ sa South Korea kamakailan.
Ang nasabing training ay host ang Korea International Cooperation Agency (KOICA), Korea International Cooperation Services (KOICS), Korean Central Customs Laboratory (KCCL), at Korea Customs Service (KCS).
Ang okasyon ay ikalawang yugto ng KOICA’s multi-year Capacity Improvement and Advancement for Tomorrow (CIAT) fellowship program.
Ang program’s key objectives ay upang mapahusay ang pagbabahagi ng mga kaalaman sa pagitan ng South Korea at Pilipinas, at pagbibigay ng mahalagang insight sa pagtatayo, pagpapatakbo, at pamamahala ng isang napananatiling PCL na naka-focus sa pagrerebisa sa Project Concept Paper (PCP).
Sa nasabing pagsasanay, nagsimula ang delegasyon sa field study visits sa estratehikong mga opisina ng customs sa South Korea.
Kasama sa mga binisita ang Korean Customs Central Laboratory and Scientific Service, isang World Customs Organization-Regional Customs Laboratory; Busan Regional Customs na kinaroroonan ng Local Customs Laboratory (LCL); at ang Busan Customs Container Cargo Inspection Center.
Ang delegasyon ay nakuha mismo ang karanasan hinggil sa ‘customs laboratory equipment, operational guidelines, and staffing structures’.
Ang mga eksperto mula KCCL at KCS Laboratory ay aktibong ibinahagi ang kanilang kadalubhasaan at tinugunan ang mga tanong ng delegasyon.
Isang special session din ang isinagawa na nakatuon sa pagkakaunawaan at paghahanda para sa komprehensibong PCP, isang kritikal na sangkap para makaakit ng local at international development assistance.
Ang re-establishment ng Philippines Customs Laboratory ay nangangako ng maraming benepisyo kasama na ang mas saktong tariff classification analysis, pagbubutihin ang koleksyon ng kita, mas pinahusay na seguridad sa hangganan laban sa ilegal na kalakalan, at hihigpitan ang public health safety kontra sa mapaminsalang chemicals at substances.
(JO CALIM)
152