BOC-ESS@35

boc

PERSONAL na pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng Enforcement and Security Service (ESS), kasabay ng pagkilala sa ambag ng naturang tanggapan sa kampanya ng pamahalaan laban sa malawakang smuggling sa bansa.

Partikular na tinukoy ni Rubio ang papel na gina­gampanan ng ESS sa mga inisyatibo sa pagbabantay ng mga hangganan (border) na saklaw ng mandato ng kawanihan.

Sa datos ng BOC, nakasabat ng kabuuang 397 kargamento (katumbas ng P1.044 bilyon) ang ESS noong nakalipas na taon.

Mula Enero hanggang Marso, pumalo na sa 81 kargamento (katumbas ng P99.474 milyon) ang natu­rang tanggapan.

Kinilala rin ng BOC chief ang kontribusyon ng ESS sa epektibong implementasyon ng Fuel Marking Program, kung saan umabot sa 18 bilyong litro ng mga produktong petrolyo ang sinuri sa hangaring mabatid kung nabayaran ang buwis at taripang kalakip ng mga imported na langis na binebenta sa merkado.

Para sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, sumampa sa apat na bilyong litro na ang nasuri sa ilalim ng naturang programa.

“With this kind of performance, the ESS is evidently of great help and is necessary in attaining our 5-Point Priority Program. Crafted through 35 years of existence, the ESS remains not only in the forefront of border protection but also of strictly implementing security mea­sures that ensure the safety of the entire Customs community,” anang Commissioner.

Kasabay ng pagdiriwang, ginawaran din ng pagkilala ang mga natatanging ESS personnel mula sa ESS Motor Vehicle Monitoring and Clearance Office, Environmental Protection and Compliance Division, ESS Quick Reaction Team, at ang Customs Firearms and Explosives Unit. Service.

Pasok din sa talaan ng pinarangalan ang mga retiradong kawani ng nasabing tanggapan. Pag-amin ni Rubio, lubhang malaki ang puwang sa kanyang karera sa gobyerno ang ESS kung saan aniya siya nagsimula bilang Special Agent.

“This is likewise why I fully understand the demands of being in the ESS, as it has a myriad of roles to execute within and even outside the Bureau of Customs. And these roles are what we ce­lebrate on today’s occasion.”

Ang ESS ay kasaluku­yang nasa ilalim ng kumpas ni Special Police Chief Isabelo Tibayan III, na nasa ilalim ng Enforcement Group sa pamumuno naman ni Deputy Commissioner Teddy Sandy Raval. (JOEL AMONGO)

58

Related posts

Leave a Comment