BOC HATAW SA Q1 COLLECTION

PARA sa unang tatlong buwan ng kasaluku­yang taon, agad na nagpakitang gilas ang bagong pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) matapos makapagtala ng higit pa sa itinakdang koleksyon mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento.

Sa datos ng BOC Financial Service Office, pumalo sa P213.619 bilyon ang pumasok na koleksyon sa unang sangkapat ng kasalukuyang taon — labis pa ng P16.6 bilyon (katumbas ng 8.43%) kumpara sa P197 bilyon first quarter collection sa unang tatlong buwan ng nakaraang taon.

Pinakamataas ang nakalap na pondo noong nakaraang Marso — tumataginting na P80.133 bilyon, mas malaki ng P7.8 bilyon kumpara sa P72.28 bilyong target collection.

Iniuugnay naman ni Commissioner Bienvenido Rubio ang malakas na koleksyon sa 5-point prio­rity program.

“Our positive collection performance for the first quarter of 2023 is a testament to the hard work and dedication of our men and women at the Bureau. We will continue to implement our priority programs and introduce new initiatives to sustain this positive momentum.” (BOY ANACTA)

86

Related posts

Leave a Comment