BOC: HIGPITAN PAGPASOK NG VAPE

KASABAY ng pag-init ng usapin kaugnay sa paggamit, pagbili at pagbebenta ng e-cigarette o vape, nagpalabas na rin ng kautusan ang Bureau of Customs sa Intelligence and Enforcement Groups nito at maging sa mga daungan na maging mapagmasid sa pagpasok ng Vape pro­ducts at mga katulad nito.

Sinabi ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang kanyang pinalabas na direktiba ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang importasyon matapos ang mahigpit na pakikipagtalastasan sa iba’t ibang mga ahensiya kabilang ang Food and Drug Administration.

Ayon sa BOC, nakiki­isa sila sa nais ng pa­ngulo na ipagbawal hindi lang ang paggamit ng vape, ang pagbebenta nito, subalit maging ang importasyon.

Sa kautusan, pinahihigpitan ni Guerrero ang lahat ng daungan upang hindi makapasok ang importasyon ng vape at mga katulad na produkto at kung sakaling may magtangkang magpasok ay kaagad na kukumpiskahin ang mga ito ng mga tauhan ng BOC.      (JO CALIM)

140

Related posts

Leave a Comment