Humingi ng pang-unawa ang Bureau of Customs (BOC) sa stakeholders dahil sa bahagyang pagkaabala sa proseso ng kanilang accreditation.
Sa kasalukuyan, ang BOC ay patuloy ang pagpapaganda ng sistema at proseso para sa kanilang stakeholders at partners.
Partikular na ang pagpapabilis sa proseso ng lahat ng mga nakabinbin na aplikasyon sa kanilang tanggapan.
Nakatakdang umalalay ang BOC-Public Information and Assistance Division (PIAD) sa mga nangangailangan partikular sa kanilang stakeholders at partners ng Customs.
Nauna nang ipinatupad ng Customs ang modernisasyon para makapagbigay ng mataas na kalidad na serbisyo sa kanilang stakeholders.
Kamakailan, nakipag-ugnayan ang BOC sa Institution for Solidarity in Asia (ISA) para sa strategic planning facilitation services sa pamamagitan ng Performance Governance Systems (PGS).
Ang platform ng PGS ay nakadisenyo sa executing, monitoring and sustaining strategy.
Bahagi ng PGS process, ay ang isinagawang tatlong araw na strategic positioning and roadmapping and session sa Diamond Hotel na ginanap noong nakaraang Agosto 1, 2019.
Layunin nito na maisama ang BOC’s existing plans sa kanilang 10-Point Priority Program for 2019.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang Bureau’s enrollment sa PGS ay bahagi ng programa ng ahensya kaugnay sa good governance and anti-graft and corruption.
Kaugnay nito, ang sinumang may kailangan sa registration process ay maaari lamang makipag-ugnayan sa PIAD ng Customs. (Boy Anacta)
120