BOC-NAIA MABILIS NA TINANGGAP ANG 1M DOSES NG SINOVAC VACCINES

0

MABILIS na tinanggap ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC–NAIA) ang 1 milyong bakunang Sinovac ng China laban sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Nakapangalan sa Department of Health (DOH) ang mga bakuna na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Hunyo 6, sa pamamagitan ng Cebu Pacific Air Flight 5J-671 dakong 7:22 ng umaga.

Ang shipment ay agad isinakay sa dalawang reefer vans at ibiniyahe sa Pharmaserv Cold Storage Facility sa San Roque, Marikina City.

Guwardiyado ito ng BOC-NAIA CoVax Task Force at iba pang enforcement agencies.

Kamakailan, pinuri ng DOH ang BOC sa “Interagency Conference on Customs Clearance of Vaccine Importations” dahil sa mabilis na pagproseso at pagtanggap ng COVID-19 vaccines na dumarating sa Manila simula noong Pebrero 2021.

Pinasalamatan naman ng BOC ang DOH sa kanilang imbetitasyon para talakayin ang pinakamahusay na kasanayan sa Port of NAIA para sa pagdating ng COVID-19 vaccines sa Cebu at Davao ngayong buwan.

Kaugnay nito, hinika­yat ng DOH ang BOC ports na pamarisan nila ang pangangasiwa sa COVID – 19 vaccines na dumarating sa NAIA hanggang sa mailabas ang mga ito patungong Visayas at Mindanao.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 9,329,050 bakuna laban sa COVID-19 ang maayos na tinanggap ng BOC – NAIA simula noong Pebrero 2021.

Kabilang dito ang 6.5 milyong Sinovac, 2.556 milyong AstraZeneca, 80,000 na Sputnik V at 193,050 ng Pfizer.

Nakatakda namang dumating sa bansa ang mga bakunang gawa sa U.S. ngayong buwan.
(Joel O. Amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment