NAKIISA ang piling mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa isang ‘training course on product identification’ na isinagawa sa pamamagitan ng EU-Asean Business Council (EU-ABC) noong Oktubre 2, 2023, sa Acacia Hotel sa Davao City.
Si Deputy Commissioner Teddy Sandy S. Raval, mula sa BOC-Enforcement Group, ay dumalo sa okasyon kasama sina Acting Chief Paul Oliver H. Pacunayen ng Intellectual Property Rights Division (IPRD), at Melchor R. Rabo, Acting Customs Appraiser ng Assessment Division – Port of Davao.
Ang Anti-Illicit Trade experts ay nagsagawa sa mga dumalo ng mga serye ng ‘demonstrations, visuals, and hands-on exercises’ para makatulong na makilala ang pagkakaiba ng authentic goods at counterfeit o imitation products.
Kaugnay nito, ang BOC officials ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa nasabing pagsasanay na magbibigay ng makabuluhang tulong sa kanila para sa pinaigting nilang anti-smuggling campaign sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pekeng kalakal at nakahahadlang na gawaing ipinagbabawal.
Dahil dito, madali nang makikilala ng mga tauhan ng labimpitong ports na nasa ilalim ng Bureau of Customs (BOC), ang mga peke at orihinal na mga kalakal na ipinupuslit papasok sa bansa.
Kasabay nito, patuloy namang hinihigpitan ng mga port sa buong bansa ang kanilang nasasakupan laban sa smuggled na mga kalakal na papasok sa kani-kanilang nasasakupan.
(BOY ANACTA)
131