NAKAPAGTALA ng pinakamataas na koleksyon ang Bureau of Customs – Port of Batangas (BOC-POB) para sa buwan ng Setyembre 2023.
Umabot ang kabuuang cash collection sa P22.048 bilyon, ang BOC-POB ay nakamit ang panibagong ‘milestone’ na pag-post ng pinakamataas na naitala sa buwanang koleksyon para sa Bureau of Customs noong Setyembre 2023.
Sa nasabing buwan ay P2.7 bilyon o 14% na mas mataas ang kanilang koleksyon kaysa noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Kaugnay nito, umaasa ang nasabing port na sa susunod na mga buwan ay malalagpasan nila ang kanilang buwanang collection targets.
Ang BOC-POB ay isa sa 17 Collection Districts na malaki ang naiaambag na kita sa Bureau of Customs para may magamit na pondo sa mga pangangailangan ng gobyerno.
Ang BOC-POB, kasama ng kalalakihan at kababaihang miyembro nito, sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Atty. Ma. Rhea Gregorio, sa patnubay ni Commissioner Bienvenido Rubio, ay mas determinado sa pagsisikap para sa pinakamahusay nilang pagkilos upang makakolekta ng kita na naaayon sa batas, mabilis na kalakalan at upang maprotektahan ang hangganan ng bansa.
(JOEL O. AMONGO)
