BOC-PORT OF CEBU LUMAGPAS SA P147-M COLLECTION TARGET SA BUWAN NG MARSO

0

Hindi lang naabot kundi nalagpasan pa ng Bureau of Customs – Port of Cebu ang kanilang monthly collection target noong nakaraang buwan ng Marso.

Batay sa kanilang inilabas na ulat, nakapagtala sila ng collection noong March ng halagang aabot sa P2,979,255, 374.91.

Dahil dito, ay lagpas ng 147.129 milyong piso ang kabuuan ng kanilang koleksyon mula sa target lamang na P2.832 bilyong piso.

Katumbas ito ng 5.2 porsyentong increase sa kaniยญlang target noong buwan ng Marso.

Mas malaki rin ito ng di hamak sa kanilang nakolekta noong nakaraang March 2020.

Dahil dito, kinilala ng pamunuan ng BOC Port of Cebu ang tulong ng lahat ng kanilang stakeholders at masisipag nilang kalalakihan at kababaihan na nananatiling frontliners ng customs service sa kabila ng pandemya.

Kung kaya’t patuloy na nalampasan ng BOC-Port of Cebu ang kanilang monthly collection targets.

Ang Port of Cebu ay isa sa labing isa (11) sa labing pitong (17) District Collection sa iba’t ibang lugar sa bansa na nakapag-ambag kaya nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang month of April 2021 collection target. (Joel O. Amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment