BOC-PORT OF ZAMBO AT CEBU HUMATAW RIN SA COLLECTION TARGET

COLLECTION TARGET

Nakapagtala ng malaking lagpas sa kanilang July 2019 collection target ang Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga.

Sa ulat ng BOC-Port of Zamboanga, sa buwan ng Hulyo ay nakapagtala sila ng actual collection para sa nasabing buwan ng P42,696,216.00 kung ikukumpara sa P27,470,000.00.

Dahil dito, ay  nakapagtala sila  ng positibong lagpas na P15,226,216.00 para sa  kanilang month of July target.

Kabilang sa mga naging malaking ambag ng malaking koleksyon ng Port of Zamboanga ay ang pagkakakumpiska ng P1.2 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo noong Hulyo 10, 2019.

Ang nasabing kargamento na umaabot ng 2,125 reams ng smuggled cigarettes ay nasabat ng mga elemento ng  Bureau of Customs at Joint Task Force Zamboanga na nakasakay sa 3 passenger vessels mula sa Jolo, Sulu na MV Mama Mia, MV Mary Joy 1 at MV Asian Stars.

Una na  ring nakakumpiska ang Port of Zamboanga ng mahigit sa P35 milyon halaga ng smuggled  na sigarilyo noong Abril 9, 2019 sa bisinidad ng Lower Calarian, Zamboanga.

Ang matagumpay na pagkakakumpiska ng nasabing milyong halaga ng sigarilyo ay sa tulong ng BOC Port of Zamboanga, Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng Philippine Navy at ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang karagatan ng Zamboanga ay kadalasang daanan ng smuggled/imported na sigarilyo mula sa mga kalapit bansa sa Asya at dinadala sa mga tindahan sa mga probinsya.

Samantala, humataw rin ang  Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu sa  kanilang July  2019  target at ito’y  sa  tulong na rin ng  Sub-Port ng Mactan at Sub-Port ng Dumaguete

Sa inilabas na ulat, umabot sa P2,944,529,465 ang actual collection kung ikukumpara sa target nilang P2,841,093,617 katumbas ito ng sobrang  P103,435,848.

Ang Port of Cebu ay kasalukuyang pinamumunuan ng bagong talagang District Collector na si  Atty. Charlito Martin R. Mendoza na dumalaw kamakailan sa Sub-Port ng Dumaguete.

Ang Sub-Port ng Dumaguete sa pangunguna ni Sub-Port Collector Fe Lluelyn Toring ay naabot ang kanilang sariling monthly collection target na P353.325 milyon.

Ang kanilang aktuwal na port collection ay nasa P451.075 milyon na may positibong lagpas na 27.47%.

Ayon sa pahayag ni Collector Toring, isa sa pangunahing dahilan sa magandang collection ng Sub-Port ng Dumaguete ay ang mahigpit nilang pagbabantay laban sa pagpasok ng illegal goods sa kanilang nasasakupan tulad ng pagkakasabat nila sa ukay-ukay sa Negros Oriental kamakailan. (Boy Anacta)

133

Related posts

Leave a Comment