BOC TUMANGGAP NG FOI AWARD MULA SA PCOO

FOI AWARD

KINILALA ng Freedom of Information-Project Management Office (FOI-PMO), sa ilalim ng Presidential Communication Operations Office (PCOO), ang Bureau of Customs (BOC) sa 2019 Freedom of Information Awards na isinagawa sa Peninsula Manila Hotel sa Makati City noong Disyembre 12.

Ang BOC ay pinarangalan bilang isang ‘top performing agencies’ sa Electronic Freedom of Information (eFOI) Portal (www.foi.gov.ph) at para sa kanilang ‘exceptional and significant contribution to the FOI’s progress and development’.

Kaugnay nito, ang bureau sa pamamagitan ng BOC-Customer Assistance and Response Services (CARES), sa ilalim ng Public Information and Assistant Division, ay mayroong pare-parehong paraan ng pagbibigay ng komentaryo at paggawa ng matibay na tulay sa pagitan ng gob­yerno at publiko.

Sa kasalukuyan, sa kabuuan ay mayroong 49,908 naresolbang katanungan o reklamo na naitala ng BOC-CARES simula noong Enero 2019.

Sa kanyang pananalita, sinabi ni PCOO Secre­tary Martin Andanar, ang FOI ay magiging epektibong instrumento para sa maayos na pamamalakad at kailangan ay maimplementa sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ito ay sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 2 series of 2016 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Hulyo 23, 2016, na ang FOI ay maging fully operational.

Layunin nito ang magbigay sa publiko ng constitutional right sa ‘information and full public disclosure and transparency in the public service’.

Ang nasabing FOI Awards ay inistablisa noong  2017, na kinikilala ang mga gawain ng government agencies, indibidwal at organisasyon na nakapag-ambag nang maayos na pamamalakad.

Matatandaan, noong Hunyo 17, 2019, ang BOC ay bumuo ng Customer Care Portal System na makikita na sa  Customs website, na hindi lamang tumatanggap ng mga reklamo o hinaing ng mga customer kundi bini­bigyan din ng importansiya ang transparency sa Bureau at para makapag-ambag ng mga paraan na mawala ang korapsyon sa kawanihan. (Jo Calim)

135

Related posts

Leave a Comment