BOC UMALMA VS. FAKE ACCOUNTS SA SOCIAL MEDIA

MATAPOS makatanggap ng kabi-kabilang reklamo kaugnay ng modus gamit ang pangalan ng mga opisyales at empleyado ng Bureau of Customs (BOC), nagbabala ang kawanihan laban sa mga pekeng account sa iba’t ibang social media platforms.

Sa kalatas ng BOC, nanawagan ang ahensya na huwag agad na maniwala sa mga natatanggap na tawag at mensahe ng mga nagpapakilalang BOC personnel na “naniningil” para makuha ang mga padalang bagahe – kung hindi man kargamento.

“The accounts are disseminating false information against the agency and its officials and personnel. The Bureau warns all unscrupulous individuals and strongly condemns such acts of invasion of privacy which victimize innocent people,” ayon sa abisong inilabas ng BOC.

Nanawagan din ang ahensya sa publiko na maging mapanuri sa mga istilo ng mga manlolokong gamit ang pangalan at litrato ng kanilang mga opisyales at empleyado.

Babala pa ng BOC, sasampahan ng kaso at titiya­king hahantong sa kulungan ang mapapatunayang may sala ng husgado.
“Appropriate charges may be filed against individuals committing identity theft for violating Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act.”

“We encourage you to report similar incidences through the BOC hotline # 8705-6000 or the following BOC official social media accounts: Facebook: @BureauOfCustomsPH, Instagram: @customs.ph, Twitter: @customs.ph, Viber: @Bureau of Customs PH and Email: boc.cares@customs.gov.ph,” dag­dag pa ng BOC.

200

Related posts

Leave a Comment