BOC WORKFORCE EMPOWERMENT ITINAMPOK SA WCO ASIA-PACIFIC NEWS

IKINATUWA ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio na lumabas sa isang publikasyon kamakailan, sa pamamagitan ng World Customs Organization (WCO), ang hinggil sa kanilang pangako sa pagpapaunlad ng propesyonalismo at kahusayan ng kanilang mga tauhan na nagresulta sa makabuluhang tagumpay sa pagpapadali ng kalakalan at pagganap ng customs.

Sa 69th issue ng Asia/Pacific Customs News, pinuri si Commissioner Rubio sa ‘outstanding leadership’, na muling nagpasigla sa BOC workforce, na prayoridad ang employee development, at consistently driven enhancements sa pagtupad sa tungkulin.

Ang mga pagsisikap na ito ay naging daan sa paghahatid ng ‘high-quality services’ na nagdulot ng mga parangal para sa Pilipinas mula sa World Bank at United Nations surveys hinggil sa kalakalan at customs operations.

Ayon sa 2023 World Bank Logistics Performance Index (LPI), ang Pilipinas ay umakyat ng 17 places sa 43rd position sa 139 mga bansa sa trade facilitation at customs performance.

Karagdagan nito, ang bansa ay nakamtan ang 2nd position sa United Nations (UN) Global Survey on Digital and Sustainable Trade Facilitation sa Southeast Asian Nations.

Sa Asia Pacific article ay naitampok ang noteworthy accomplishment ng BOC sa pagkuha ng 23 International Organization for Stan­dardization (ISO) 9001:2015 Quality Management System (QMS) certificates para sa makabuluhang customs core processes noong Hunyo 2023.

Bukod dito, ang 11 Customs Collection Districts ay nakatanggap ng ISO QMS certification, habang ang iba pa ay aktibo sa pagtatrabaho para maabot ang stan­dard’s requirements..

“Our employees will propel the Bureau’s essential programs, including our modernization efforts. Ongoing workplace reforms aim to optimize their performance while upholding principles of transparency and integrity,” dagdag pa ni Commissioner Rubio.

(JO CALIM)

309

Related posts

Leave a Comment