BORDER SECURITY PINALAKAS NG BOC-CEBU, CIDG RFU 7

NAGSAGAWA ng makabuluhang hakbang patungo sa pagpapahusay ng pagtutulungan sina Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, at P/Col. Marlon R. Santos, Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit (RFU) 7, noong Oktubre 26, 2023.

Ang nasabing pulong ay nakasentro sa pagpapalakas ng kanilang pagtutulungan at pagpapahusay ng kanilang border security measures.

Layunin din nito ang pinalakas na pagtutulungan sa pagtugon sa mga isyu na may kaugnayan sa pagsunod sa mga batas at regulasyon ng customs.

Tinalakay rin nila ang ‘sharing of intelligence, joint operations, and the exchange of information vital for preventing illicit activities’ sa Port of Cebu.

Binigyan-diin ni District Collector Atty. Morales II ang kahalagahan ng malakas na pagtutulungan sa pagitan ng Port of Cebu at CIDG RFU. 7.

Kaugnay nito, sina District Collector Atty. Morales II at P/Col. Santos ay nagpahayag ng kanilang pangako sa pagpapahusay ng koordinasyon at intelligence sha­ring para labanan ang illegal activities na nagkokompromiso sa integridad ng port at kanilang mga operasyon.

“In the pursuit of our mandates, the Port of Cebu recognizes the importance of cooperation with our law enforcement counterparts. We are dedicated to ensu­ring the integrity of our borders and preventing illegal activities. This partnership with CIDG RFU 7 is a testament to our collective commitment to the lawful movement of goods in the Central Visayas Region,” ani District Collector Atty. Morales II.

(JO CALIM)

40

Related posts

Leave a Comment