CALL CENTER HOTLINE SERVICE INILUNSAD NG BOC

Pormal nang inilunsad ng Bureau of Customs ang kanilang ipinagma­malaking Call Center Hotline sa pamamagitan ng isang partnership sa Digital Minds BPO Services Incorporated.

Ang partnership ay resulta ng tinatawag nilang ‘Bureau’s identification of some key areas in the present customer assistance set-up’ na nangangailangan ng mga pagbabago o improvement gaya ng call management, call monitoring, call storage, and IVR systems.

Ang Digital Minds BPO Services ay NAGA-based office na nagsisilbi sa Business Process Outsourcing para sa United States and Australia.

Ang BOC ay siyang pinakaunang government agency sa bansa na magbi­bigay ng mga ganitong uri ng serbisyo.

Sa pahayag ni BOC Commissioner Rey Leo­nardo B. Guerrero, sinabi niya na ang pagkuha ng isang 3rd Party Call Center ay hakbang na ang layunin ay pagandahin ang serbisyo para sa publiko.

Sa pamamagitan ng tu­long ng Digital Minds BPO Inc., ang Bureau magbibigay daan para sa reform, transform at perform.

Sa pagtutulungan ng BOC at Digital Minds BPO Services Inc, inaasahan na

malapit ng maabot ng BOC ang kanilang vision na maging isang World-Class ang kanilang serbisyo para sa mamamayan at para sa buong mundo. (Joel O. Amongo)

69

Related posts

Leave a Comment