ARESTADO sa pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark, kasama ang Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang claimant ng ketamine na P2,120,000 ang halaga noong Mayo 18, 2023.
Nauna rito, inisyal na naka-tag bilang kahina-hinala ng X-ray Inspection Project (XIP) personnel, ang shipment na naging pakay ng K9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 Unit, na nagbigay ng positibong indikasyon sa presensiya ng dangerous drugs.
Ang shipment ay unang sinabing naglalaman ng “chocolates,” na agad naging pakay ng physical examination na naging daan ng pagkakatuklas sa isang glass container na puno ng white crystalline substances na nakalagay sa glass ng Imperial Rose Scented Candle.
Sa isinagawang PDEA chemical laboratory analysis ng samples, nakumpirmang ang substances ay ketamine, isang dangerous drug sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dahil dito, isang Warrant of Seizure and Detention order ang agad na inisyu laban sa shipment matapos makitaan ng basehan para sa kasong paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), at 1113 par. (f), (I), at (l)-(3) at (4) ng Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa RA No. 9165.
Ang mga elemento ng Port at PDEA ay nagpatuloy sa pagsasagawa ng joint controlled delivery operation sa address ng importer sa Pasig City, na nagresulta ng pagkakaaresto sa 23-anyos na lalaking claimant at habang nakatakas ang isa pa.
“We commend the vigilance of our Customs Examiners, XIP, CAIDTF, CIIS, and we also recognize the support of PDEA in our illegal drug apprehensions. The series of drug seizures at the Port of Clark proves our full commitment to the priority program of Commissioner Bienvenido Rubio to curb smuggling,” ani District Collector Atty. Elvira Cruz.
“This is another successful drug bust that shows our consistent effort in preventing smuggling in all forms. Rest assured that the Bureau of Customs is further strengthening its enforcement and intelligence capabilities to protect our borders.”
(JO CALIM)
128