PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu, District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II ang isinagawang inspeksyon sa Cebu South Harbor and Container Terminal Corporation (CSHCTC) port facility noong Setyembre 07, 2023.
Layunin ng inspeksyon na tiyaking epektibo at ligtas ang galaw ng mga kalakal sa pamamagitan ng mahalagang ‘gateway’ ng kalakalan na ito.
Personal na tinasa ni District Collector Atty. Morales II ang ‘infrastructure, operations, and security measures’ na ipinatutupad sa Cebu South Harbor.
Binigyaang-diin ni District Collector Morales II ang kahalagahan ng inspeksyon na ito, “The Port of Cebu plays a crucial role in the economic development of our region. Our priority is to ensure that all operations within the Port are in strict compliance with customs regulations. This includes safeguarding our borders and facilitating legitimate trade, while also warranting the lawful collection of revenues due to the government.”
Sa nasabing inspeksyon, si District Collector Atty. Morales II, kasama ni Subport of Mactan Collector Gerardo A. Campo, at iba pang BOC employees, ay masusing sinuri ang iba’t ibang aspeto ng mga pasilidad ng port, kasama ang ‘cargo handling procedures, customs documentation processes, and security measures.’
Sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Morales at sa patnubay mula kay Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang Port of Cebu ay nananatili sa kanilang pagpapaunlad sa isang ligtas at kaaya-ayang kapaligiran para sa internasyonal na kalakalan, itinataguyod ang pinakamataas na etikal na batayan, at pagprotekta sa mga hangganan ng bansa.
(JO CALIM)
121