Palalakasin ng Post Clearance Audit Group (PCAG) ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) batay sa itinatadhana ng Customs Administrative Order (CAO) No. 01-2019.
Ang Post Clearance Audit (PCA) functions ng BOC ay pormal na itinatag sa ilalim ng PCAG na nasa ilalim ng pamumuno ni Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla.
Ayon kay Maronilla, layunin ng PCA na pataasin ang ‘trade facilitation, encouraging voluntary disclosures’ at protektahan ang government revenue sa pamamagitan ng pagsunod sa audits ng imported goods.
Bukod dito, ang kanyang pagsisikap na pagsama sa non-traditional sources ng revenue para makakalap pa ng karagdagang kita.
Makatutulong umano ito sa gobyerno para sa pangangailangan ng pondo nito para masuportahan ang mga programa nito tungo na rin sa ikagaganda ng ekonomiya ng bansa.
Sa report ni Maronilla, sa loob ng 6 na buwan mula sa pagbabago ng PCAG ay nakakolekta na ng karagdagang kita na P1,448,989,881.05 na kung saan nalagpasan nito ang ‘highest historical collection’ na P950 milyon na ipinaskil ng dating Post Entry Audit Group (PEAG) noong 2007.
Target ng PCAG na makakolekta ng karagdagang P2.5 bilyon higit pa sa nalalabing buwan para maabot ang P4 bilyon projected benchmark.
“While the BOC has continually increased its collection efficiency and has seen increasing revenue collection growth since the start of the Duterte administration, much revenue is still needed,” ayon pa kay Maronilla. (JO CALIM)
138