DAVAO REGION BILANG ASEAN LOGISTICS HUB

Ni JOSE OPERARIO

ALINSUNOD sa rekomendasyon ng National Economic Development Authority (NEDA at Davao Gulf Development Plan (DGDP), nakatakdang umarangkada ang Davao Region bilang logistics hub ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa isang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng mga opisyales ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) at Singapo­rean Ambassador Gerard Ho, tinalakay ang kalakalan ng mga pangunahing produkto ng Mindanao kabilang ang saging, pinya at pamosong durian ng Davao.

Sa isang kalatas, nanindigan si BOC-Davao District Collector Erastus Sandino Austria sa kahalagahan ng agresibong kalakalan para paunlarin ang Mindanao.

Para kay Austria, mala­king bentahe sa sektor ng agrikultura ang ASEAN Logistics Hub sa Davao region, bukod pa sa inaasahang ambag sa isinusulong na pagbangon ng pambansang ekonomiya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Kabilang din sa mga pinag-usapan ng magkabilang panig – Sandino para sa Pilipinas at Ho para sa Singapore – ang mga mekanismong dapat tahakin at para tiyakin ang malusog na kalakalan, kalakip na responsibilidad, border protection kontra smugglers at iba pa.

Makaraan ang pulong, nilibot din ni Ho ang Davao International Container Port, seaport facility sa Lungsod ng Panabo at mga plantasyon ng pinya, saging at durian.

“Soon enough, Davao region’s agri-sector will be significantly contributing to the government’s earnest effort to boost trade and commerce in Mindanao,” pagtitiyak ni Austria na napipintong pagbubukas ng isinusulong na Logistics Hub sa nasasakupang distrito.

171

Related posts

Leave a Comment