Diwa ng Pasko ipinaramdam 400 SAKO NG BIGAS IBINIGAY NG SUBPORT OF MACTAN SA FIRE VICTIMS

PARA patunayan ng Bureau of Customs – Subport of Mactan na ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan, nag-donate sila ng mga bigas sa mga biktima ng sunog sa Lapu-Lapu City kamakailan.

Noong Disyembre 15, 2023, ang Subport of Mactan ay nagbigay ng 400 sako ng bigas sa 4,417 biktima ng sunog na nangyari sa Sitio Sta. Maria, Brgy. Pusok, Lapu-Lapu City, noong Martes ng hapon, ika-12 ng Disyembre.

Ang okasyon ay pina­ngunahan ni Port Collector Gerardo Campo, kasama ang Officer-In-Charge, BOC Assessment Section, Ms. Cornelia B. Wilwayco, at Ms. Frances Margaret Quitco, Chief Admin.

Ang nasabing mga sako ng bigas ay itinurn-over kay Lapu Lapu City Mayor, Junard “Ahong” Chan.

Ayon pa sa kanya, ang Christmas, “as they say, is the most wonderful time of the year when everyone feels the spirit of joy and celebrate it with friends and family”.

Ngunit magkakaiba aniya ang kahulugan nito sa iba’t ibang mga tao.

Sinabi niya na sa iba ito ay maaaring napakalaki, sa iba ito ay maaaring isang pagkabigo o ang ilang indibidwal ay nakararamdam ng kalungkutan lalo na pagkatapos ng isang trumatikong karanasan.

Matapos malaman ng BOC ang naganap na sunog at maraming bilang ng mga residente ang naapektuhan, agad silang nagdesisyon na magbigay ng tulong sa mga biktima sa pamamagitan ng pamamahagi ng 400 sako ng bigas.

Naniniwala ang bureau na ang kanilang ibinigay na mga bigas ay makatutulong sa mga biktima ng sunog.

“Ang tunay na diwa ng Pasko ay pagbibigayan at pagmamahalan,” ayon pa sa mga taga-Subport of Mactan.

(JO CALIM)

243

Related posts

Leave a Comment