DOE AT BOC SANIB-PWERSA KONTRA POWER RATE HIKE

SA hangaring maging bahagi ng solusyon sa kinahaharap na krisis sa ekonomiya, nagsanib-pwersa ang dalawang ahensya para maiwasan ang pagsipa sa presyo ng enerhiyang mula sa inaangkat na karbon mula sa ibang bansa.

Sa isang pulong-balitaan, kapwa kinatigan ng Department of Energy (DOE) at Bureau of Customs (BOC) ang pagbabago sa umiiral na sistema – partikular sa pagkukwenta ng buwis (valuation) na kalakip ng imported coal na karaniwang ginagamit ng mga plantang lumilikha ng kuryente sa iba’t ibang panig ng bansa.

“The BOC has to use the transactional value, not refe­rence value, for collecting taxes and duties for imported coal. The problem with coal importation is about the valua­tion of coal. The higher you buy coal, the higher their taxes and duties they have to pay,” ayon kay Energy Undersecretary Sharon Garin.

Para kay Garin, ang paggamit ng reference value sa pagkukwenta ng buwis at taripa ang dahilan sa pagmamahal ng kuryente sa bansa. Aniya, makaiiwas ang mga konsyumer sa 10 hanggang 30 sentimong dagdag-singil sa kada kilowatt hour nakunsumong kuryente kung “tran­sactional value” ang gagami­ting basehan sa pagkukwenta.

“Together with the Bureau of Customs, they have reassessed the implementation of Customs Modernization Law. Instead of having (a) reference value, it should be transaction value,” dagdag pa ng DOE official.

Samantala, inatasan na rin ng pamunuan ng kawanihan ang 17 BOC district collection offices na ipatupad ang naturang direktiba ng DOE kaugnay ng mga pumapasok na imported coal sa bansa.
“With this move of the BOC and DOE, the advantage is on the consumers,” pahabol pa ni Garin.

11

Related posts

Leave a Comment