Drug test sa mga kawani WALANG ADIK SA BOC-CLARK

0

SINORPRESA ng Bureau of Customs sa Port of Clark ang 20 kawaning isinailalim sa random drug testing bilang bahagi ng programang nagbibigay katiyakan na walang gumon sa ipinagbabawal na gamot sa hanay ng kanilang mga empleyado.

Katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region III office, isinalang sa drug test ang mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ng Port of Clark sa Pampanga. Kabilang sa isinailalim sa drug test bilang tugon sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay ang mga tauhan ng Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), maging ang mga gwardya at mga contractual personnel ng nasabing puerto.

Mabilis din namang inilabas ang resulta ng pagsusuri – lahat negatibo, bagay na ikinalugod ni POC District Collector Alexandra Lumontad.

Gayunpaman, siniguro ni Lumontad na hindi pa doon nagtatapos ang kanilang pag­lilinis ng droga sa hanay ng mga opisyal at empleyado ng kawanihan, lalo pa aniya’t marami pang random drug testing ang isasagawa hanggang sa matiyak na drug-free ang kanilang district collection office.

“The Port of Clark will strictly adhere to the directives of the Commissioner in promoting a safe and healthy drug-free work environment. It is a must for us to make sure that the Port will remain a drug-free workplace,” aniya.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment