Dumaguete Subport, inulan ng papuri P2-B SURPLUS, NAITALA NG MALIIT NA SUBPORT

HINDI dahilan ang maliit na teritoryong sakop ng Subport of Dumaguete para mapag-iwanan pagdating sa paglikom ng pondo. Ito ang pinatunayan ng Subport of Dumaguete matapos magtala ng tumataginting na P22-bilyong pasobra sa itinakdang collection target sa nakalipas na taon.

Batay sa datos ng Financial Service Office ng Bureau of Customs (BOC), pumalo sa P8.591 bilyong ang nalikom na koleksyon ng Dumaguete Subport sa nakalipas na 12 buwan – malayo sa P6.451 bilyong 2022 collection target.

Sa pagtataya, lumalabas na mas mataas ng 38.76% ang aktwal na koleksyon kumpara sa 2022 target ng Dumaguete Subport na karaniwang daungan ng mga inaangkat na produktong petrolyo.
“Fuel importation, as usual, was the highest contributor but rice importation also raked in some revenue generation,” ayon kay Gina Fatima Lasola na tumatayong acting Du­maguete Customs Collector.

Kabilang naman sa mga tinukoy na kumpanyang nagbigay-daan aniya sa mas mataas na antas ng nalikom ng pondo ng kanilang distrito ang mga kumpanyang Filoil Logistics Corp, Dumaguete Coconut Mills Inc.

Bukod sa langis, pasok din sa talaan ng Dumaguete Subport ang pag-angkat ng 20,971,157 kilo ng bigas mula sa bansang Vietnam para sa katumbas na P132 milyong buwis. (JO CALIM)

24

Related posts

Leave a Comment