NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang misdeclared pests mula sa Thailand, sa Sub-Port of Central Mail Exchange Center (CMEC) noong Nobyembre 13, 2023.
Sa pamamagitan ng mahigpit na screening ng postal items, kasama ang X-ray scanning at lubusang physical examination, isang parcel ang natuklasan na naglalaman ng 50 nakatagong piraso ng isopods invertebrates na kabilang sa ‘greater crustaceans’, pawang misdeclared bilang candy.
Ang nasabing exotic pests ay kinumpiska dahil sa kakulangan ng import clearance mula sa Bureau of Plant Industry.
Ito ay paglabag sa Plant Quarantine Law of 1978 (PD 1433) at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
“The Bureau of Customs pledges to prevent smuggling and protect the country’s borders against threats, including exotic pests, through strict border controls and reforms,” pahayag ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Ang BOC-NAIA, sa pamumuno ni District Collector Yasmin O. Mapa, ay nananatiling matatag sa kanilang border security efforts laban sa pagpasok ng anomang foreign pests, na nakalinya sa mga direktiba ni Commissioner Rubio.
(JO CALIM)
310