FOREIGN VESSEL KUMPISKADO SA LIMAY

0

KUMPISKADO sa mga operatiba ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa bayan ng Limay sa lalawigan ng Bataan ang isa pang barkong pinaniniwalaan gamit sa dredging activities sa karagatang sakop ng bansa.

Hindi nakalusot sa mapanu­ring operatiba ng Port of Limay yang MV Hammer 16 na nakapangalan sa isang Symore John Gementiza na tumatayong ship agent.

Ayon kay Port of Limay district collector Atty. William Balayo, sadyang pinintahan at binago ang hitsura at pangalan ng barko sa hangaring makaiwas sa pagbabayad ng obligasyon at pagtakpan ang pakay nito sa bansa.

Sa imbestigasyon ng BOC-POL, unang dumaong ang barko sa karagatang sakop ng Mariveles, Bataan nitong nakaraang buwan, at batay sa isinumiteng manipesto, pansamantala lamang ang pananatili nito. Laking gulat na lang ni Balayo na mismong nakasaksi sa pagbabago ng hitsura ng nasabing sasakyang dagat.

Aniya, burado na ang dating pangalan ng barko, bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng umiiral ng batas.

“Thereafter the crew of the vessel erased the name of the barge MV HAMMER 16, which acts amounts to fraudulently concealing the identity of the vessel and maybe considered as illegal conversion,” saad ni Balayo sa isang kalatas.

Napag-alaman din umanong ginagamit na sa quarrying operation ang nasabing barkong sadyang nakadisenyo para sa dredging activities.

Sa direktiba ni Balayo, agad na inilipat sa pangangalaga ang nasabing dredger ship sa Action and Cargo Disposal committee, batay na rin sa umiiral na Customs Memorandum Order No.8-84.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment