FUEL SMUGGLERS HAGIP NA NAMAN SA BATANGAS

HINDI pa man nagtatagal mula nang mabulilyaso ang tangkang pagpupuslit ng 700,000 litrong krudo sa bayan ng Mabini, timbog naman ngayon sa Batangas City ang nasa 850,000 litro ng petrolyong lulan ng isang naglalayag na barkong patungo sa South Harbor sa Lungsod ng Maynila.

Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Bata­ngas (BOC-Batangas), nasabat ng mga operatiba mula sa Customs Intelligence Group, kasama ang Philippine Navy at Philippine Air Force ang MT Braleman-1 na kargado ng petrolyo habang bumabyahe sa karagatang sakop ng Batangas.

Ayon kay Customs Enforcement Group deputy commissioner Teddy Raval, kaladkad din sa operasyon kontra fuel smuggling ang FL St. Mariner na sumisipsip ng petrolyong lulan ng MT Braleman 1.

Nang suriin ng mga ope­ratiba ang kargang petrolyo, lumabas na negatibo sa “fuel marker” na pamantayan at patunay na nabayaran na ang buwis na kalakip ng inangkat na petrolyo.

“The fuel cargo tested negative for the presence of the government-approved marker and had no pertinent documents,” ani Raval. Nakatakda na ring mag­lunsad ang kawanihan ng isang custodial investigation bago pa man sampahan ng patong-patong na asunto ang mga sangkot sa bigong fuel smuggling sa naturang lalawigan. Pebrero 7 ng kasalukuyang taon, hagip sa baybaying bahagi ng Barangay Mainaga sa bayan ng Mabili ang MT Harmony Star na may lulang 700,000 litro ng smuggled na krudo.

38

Related posts

Leave a Comment