FUEL SMUGGLING DUROG NA – DOF

IBINIDA ng Department of Finance (DOF) ang pagsirit ng koleksyon ng pamahalaan mula sa produktong petrolyo bunsod ng pinaiiral na prog­ramang tumutukoy sa mga lehitimo at smuggled oil pro­ducts sa merkado.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, tumataginting na P324.5 bilyon ang nakolektang taripa at buwis ng pamahalaan mula nang ipatupad and fuel marking program ng Bureau of Customs (BOC) sa mga pasilidad ng iba’t ibang kumpanya ng langis.

Sa tala ng DOF, may kabuuang P294.6 bilyong koleksyon ang BOC mula sa taripa ng mga imported petroleum products, habang pumalo naman sa P29.8 bilyon ang nalikom ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula naman sa excise tax.

Sa imbentaryo ng BOC, nasa 32.9-bilyong litro ng langis na namarkahan ng BOC gamit ang kemikal na siyang patunay ng pinagbayarang buwis. Pinakamalaking bahagi ng mga marked fuel ang krudo, gasolina at kerosene.

Giit ni Dominguez, hindi na magtatagal ay tuluyan nang matutuldukan ang fuel smuggling na aniya’y nakakaapekto hindi lamang sa kita ng pamahalaan kundi maging sa industriya ng langis.

Sa isang pagdinig sa Kamara kamakailan, hayagang sinabi ni BOC deputy commissioner Teddy Sandy Raval ang nawawalang P44 bilyon kada taon sa gobyerno dulot ng fuel smuggling.

Sa tala ng DOF, 25 kumpanya ng langis ang nakikibahagi sa isinasagawang fuel marking. Shell, Unioil, Insular Oil, Seaoil, Phoenix, Chevron, Filoil at Petron.

4

Related posts

Leave a Comment