Gagamit ng estratehikong hakbang 2024 P4.3-T REVENUE TARGET KAKAYANING MAABOT

DUMALO si Finance Secretary Ralph G. Recto sa isinagawang joint press conference kasama sina Bureau of Internal Re­venue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., at Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bien­venido Y. Rubio kung saan pinag-usapan ang estratehikong mga hakbang upang maabot ang P4.3 trillion revenue target para ngayong taon 2024.

Sa kanyang pambu­ngad na pananalita, sinabi ni Secretary Recto, ang gobyerno ay hindi aasa lamang sa pagpapatupad ng mga bago at karagdagang taxes para ma-rev up ang revenue collections, kundi magko-concentrate rin sa pag-optimize ng BIR at BOC’s performance sa pamamagitan ng ‘creativity, transparency, and efficiency’ sa tax and customs administration.

Sa kasalukuyang mga alalahanin sa ekonomiya, nanawagan siya sa dalawang bureau na magtulungan bilang team para matiyak ang mabilis na pagbabayad ng mga buwis at alisin ang mga hadlang sa kalakalan na nakaaapekto sa supply chains ng bansa.

Kabilang sa mga direktiba sa BIR ang agarang implementasyon ng ‘Ease of Paying Taxes Act’, paghabol sa tax evaders, at pagpapalakas ng tax compliance drive.

Para naman sa BOC, nanawagan siya sa pagpapahusay ng mabilis na kalakalan at pagpapalakas ng border control para malabanan ang smuggling.

Ipinag-utos din sa dalawang bureau na mapabilis ang paglulunsad ng kani-kanilang digitalization initiatives at pinatinding anti-corruption drive.

Sa bahagi naman ng DOF, sinabi Secretary Recto na muli niyang inuulit ang kanyang suporta para sa matibay na partnership ng BIR at BOC.

Kasabay nito, nangako siya ng mabilis na aksyon sa mga plano at proyekto para sa pagpapahusay ng tax and customs administration habang itinutulak patungo sa higit pang mga hakbangin upang lumago ang ekonomiya at mapalawak ang tax base.

(JOEL O. AMONGO)

905

Related posts

Leave a Comment