(Ni Jo Calim)
iba’t ibang gambling paraphernalia ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Kalibo International Airport (BOC-KIA, Aklan) na dumating sa nasabing pwerto kamakailan.
Kabilang sa mga ito ay ang iba’t ibang poker chips, dealer chips, casino playing cards, casino dices at mahjong sets.
Batay sa ulat, ang nasabing mga gambling paraphernalia ay dumating sa BOC-KIA dala ng isang tao na hindi binanggit ang pangalan noong nakaraang Hulyo 4 at 6, 2019.
Kinumpiska ang mga ito dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) partikular ang Section 119 (b), Customs rules and regulations.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng BOC-KIA/Enforcement Security Service (ESS) ang nasabing mga gambling paraphernalia, ayon sa Warrant of Seizure and Detention (WSD) na inisyu laban sa nilabag nitong artikulo.
Matatandaang pumutok ang balitang planong tayuan ng casino ang isang lugar malapit sa Boracay Island, subalit hindi natuloy matapos magpahayag ng pagtutol si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ang Boracay ay dinaragsa ng mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo dahil sa angking ganda nito, kung kaya’t pinaniniwalaang ang mga nakumpiskang gambling paraphernalia ay doon gagamitin.
134