GOOD PERFORMANCE NG CUSTOMS-NAIA IPINAGMALAKI NI GUERRERO

Commissioner Rey Leonardo Guerrero-5

IPINAGMAMALAKI ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang magandang performance ng  Customs-NAIA.

Si Guerrero ang na­ging panauhing pandangal sa 59th Founding Anniversary ng Port of NAIA noong nakaraang Setyembre 16, 2019.

Sa pananalita ni Commissioner Guerrero sa nasabing okasyon ay pinuri niya ang pamunuan ng Customs-NAIA sa pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan at mga tauhan nito dahil sa kanilang magandang performance.

Sa nasabing selebras­yon ay iprinisinta ni District Collector Talusan ang accomplishment report ng Port mula 2018 hanggang 2019 at iba pang reporma.

Dahil dito, pinangunahan ni Guerrero ang pagbibigay ng certificate of commendation sa outstanding Customs officers at ang NAIA’s finest.

May temang “Customs-NAIA Protecting The Borders” ang photo gallery kaugnay sa pagdiriwang ng okasyon.

Sa nabanggit na selebrasyon ay ipinagmalaki nila ang kanilang record-breaking achievements mula 2018 hanggang 2019.

Partikular ang kanilang revenue collection mula Enero hanggang Agos­to 2019 na tumaas ng 9% kung ikukumpara sa 2018 sa parehong panahon.

Sa datos, ang Customs-NAIA ay nakapagtala ng pagkakasabat ng 49 illegal drugs mula Marso 2018 hanggang Setyembre 2019 bukod pa sa pinakahuling pagkakasabat ng liquid marijuana kamakailan lamang.

Kabilang din sa nasabat ang 14,730 ecstasy tablets na itinuturing na  pinakamalaking nakum­piska ng ahensya.

Dahil dito, umabot sa kabuuang  P531 milyon  iba’t ibang klase ng ilegal na droga ang naitalang nasabat ng Customs-NAIA sa nabanggit na mga panahon.  (Boy Anacta)

166

Related posts

Leave a Comment