GUERRERO PINURI NI DOMINGUEZ SA PAGHATAW SA KOLEKSYON

PINURI ni Finance Secretary Carlos G Dominguez ang Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero dahil sa naging magandang performance sa nakalipas na taon (2019).

Ayon kay Dominguez, panauhing pandangal sa 118th founding anniversary ng BOC noong nakaraang Pebrero 7, 2020, pagpapaganda at epektibong pagpapatupad ng mandato ang ginawa ni Guerrero kaya patuloy ang pagbabago at magandang serbisyo ng BOC para sa kapakanan ng publiko.

Sinabi pa ni Dominguez, nakakatuwang sa kabila ng mga intrigang bumabalot sa BOC ay patuloy ang kanilang pagsisikap na maayos at maihatid ang kanilang serbisyo sa taumbayan.

Ito ay sa pamamagitan ng mga makabagong operasyon, modernong sistema at imprastraktura para matiyak na may kakayahan at mabisa ang kanilang mga tauhan.

Ang pagbabagong ito ay nagbigay ng lakas sa abilidad ng bureau para sa pagpapatupad ng kanilang mandato para sa pagkalap ng kita (revenue).

Ang BOC ay isa sa taga kolekta ng duties and taxes ng gobyerno, bukod sa Bureau of Internal (BIR) na pawang nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Sa nakalipas na 2019 ang BOC ay nakapagtala ng P630.47 bilyong collections na may 95.4% target collection ang kanilang naabot.

Sa BOC’s collection na P630.47 bilyong noong 2019, tumaas ng 6.3% na may katumbas na  P37 bilyong kung ikukumpara sa taong 2018 revenue collection ng P593-bilyong.

Lumalabas sa BOC data na siyam (9) sa labing pitong (17) collection districts ang lumagpas sa kani-kanilang annual revenue collection targets.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng (1) Port of Limay na may P56.332-billion revenue; (2) Port of Cagayan de Oro na may  P34.540-billion revenue; (3) Port of Subic na may  P32.373-billion revenue; (4) Port of San Fernando na may P4.237-billion revenue; (5) Port of Iloilo na may P3.406-billion revenue; (6) Port of Tacloban na may P1.425-billion revenue; (7) Port of Zamboanga na may  P545-million revenue; (8) Port of Legaspi na may  P510.26-million revenue; at (9) Port of Aparri na may P146.72-million revenue.

Pinuri din ni Dominguez ang BOC dahil sa kanilang pagpapalakas ng kampanya laban sa pandaraya, smuggling, pagsawata ng korapsyon at ang kanilang professionalism. Joel O. Amongo

 

99

Related posts

Leave a Comment