INABANDONANG BALIKBAYAN BOXES MABILIS NA NAIPAMAHAGI NG BOC

MABILIS na ipinamahagi ng Bureau of Customs (BOC) ang 87 balikbayan boxes sa 68 claimants sa Port Net Logistics CFS Warehouse sa Sta. Ana, Manila, noong Oktubre 26, 2023.

Ang distribusyon ay pinangunahan ni Acting Deputy Commissioner Michael C. Fermin ng Internal Administration Group, kasama sina District Collector Romeo Allan R. Rosales ng Manila International Container Port (MICP), at MICP Deputy Collector for Operations, Atty. Edward R. Ibera.

Ang nasabing balikba­yan boxes ay ipinadala ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula United Arab Emirates (UAE), Canada, Europe, at Middle East, su­balit inabandona ang mga ito ng unscrupulous forwarding companies, kabilang ang Mediacom Express Cargo, Pinoy Network Cargo WLL, RLMSR Freight Forwarding Services, at Benelux Freight Logistics Philippines.

Ayon sa mga ulat, ang OFWs ay nagbayad sa overseas forwarders para sa shipping ng kanilang balikbayan boxes sa kani-kanilang mga pamilya ngunit hindi nabayaran ng nasabing mga kumpanya ang local forwarders.

Ito ay nagresulta sa non-declaration at non-payment ng duties, taxes, and charges. Bunsod nito ang BOC ang nanguna sa pamamahagi ng inabandonang balikbayan boxes.

Ang unscrupulous forwarders sa abroad ay sinamantala ang OFWs sa pag-aalok ng mas mababang shipping fees para sa balikbayan boxes, subalit walang counterpart local deconsolidator para mapadali ang clearance at delivery sa mga benepisyaryo.

Kaugnay nito, mariing pinayuhan ng BOC ang OFWs at ang publiko na maging maingat sa pagpili ng forwarding companies para sa kanilang balikbayan boxes para matiyak na maaasahan ang integridad ng serbisyo ng mga ito.

(JOEL O. AMONGO)

189

Related posts

Leave a Comment