INSENTIBO, GARANTISADO SA MGA IMPORTERS NA TUTULONG – PBBM

SA hangaring pasipain ang kalakalan at tiyakin ang sapat na supply ng pagkain, isang kasunduan ang nilagdaan ng Pilipinas at karatig bansang Tsina para sa garantisadong insentibo sa mga importer na makikipagtulungan sa Bureau of Customs (BOC).

Partikular na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang kanyang pag­lagda sa Mutual Recognition Arrangement (MRA) na naglalayong paigtingin ang Authorized Economic Operator (AEO) Program sa pagitan ng BOC at General Administration of Customs of the People’s Republic of China.

Sa isang pahayag, tiniyak ng BOC na malaki ang maitutulong ng pinaigting na AEO program sa hangarin ng pamahalaan para sa mas mataas na antas ng kalakalan at malusog na ekonomiya, sa bisa ng MRA na magbibigay insentibo at iba pang kalakip na benepisyo sa miyembrong estado.

Kabilang sa mga inaasahang benepisyo ng ni­lagdaang MRA sa Tsina ang mas mabilis na proseso para sa cargo clearance (domestic at overseas), prayoridad sa mga kargamentong boluntaryong isusumite para sa angkop ng inspeksyon, diskwento, at iba pa.

Bahagi rin ng kasunduan ang sabayang pagkilos kontra smugglers.

(JOEL AMONGO)

44

Related posts

Leave a Comment