ISO TRAINING SA SUBPORTS OF MACTAN, DUMAGUETE IKINASA

ISO TRAINING-2

DUMALO ang subports ng Mactan at Dumaguete sa isinagawang International Standard Organization (ISO) Workplace Management Training: 5s Workshop noong nakaraang Disyembre 2 hanggang 3.

Layunin ng dalawang araw na pagsasanay na isinagawa ng Internal Qua­lity Management System Office (IQMSO) na maunawaan ng personnel ng subports ng Mactan at Dumaguete na i-apply ang mga hakbangin sa workplace management sa pamamagitan ng 5S Metho­dology.

Sa nasabing training ay kabilang ang sunud-sunod na workshops ng Bureau na ibinigay para sa nasabing dalawang subports para sa kani-kanilang ISO Certification.

Samantala, ang subport of Dumaguete ay nagsagawa ng kanilang annual Christmas outreach program na may temang, “Gugma sa Pasko” noong nakaraang Huwebes, Disyembre 5.

Binisita ng team ang Casa Esperanza, isang residential care facility na pansamantalang tahanan sa panahon ng krisis na sitwasyon ngayon sa buong lalawigan ng Negros Oriental, na may 23 kabahayan.

Ang grupo ay pina­ngunahan ni Port Collector Fe Lluelyn G. Toring, na namahagi ng Christmas gifts, kasama ang maigsing programa na may palaro, kantahan at sayaw, at sama-samang nagkainan.

Ang special guest performance mula sa  Children’s Joy Foundation, Inc., isang non-profit organization ay nakasentro sa ‘welfare and development of disadvantaged children and youth’ na nagbigay ng mas makahulugang pagdiriwang.

Ang Christmas outreach program ay nasa ika-3 taon na sa ilalim ng pamumuno ni  Collector Toring.

Matatandaang naunang  dinalaw ng team ang Du­maguete Youth Homes, isang tahanan para sa batang kalalakihan. (Boy Anacta)

145

Related posts

Leave a Comment