Jewelry smuggling dati na sa paliparan SINDIKATO SA NAIA TATALUPAN NG BOC

HINDI pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng bigong tangkang pagpupuslit ng nasa P80-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nito lamang nakaraang buwan.

Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ng isang mapagkakatiwalaang impormante na matagal nang kalakaran ang operasyon ng isang sindikatong binubuo ng mga negosyante at gumagamit ng mga airline personnel sa jewelry smuggling.

“Matagal na ‘yan. ‘Yung nangyari nu’ng November, hindi ‘yan ang unang pagkakataon na nagparating sila ng mga alahas. Nagkataon lang na nabulaga sila ng mga awtoridad,” sambit ng impormante kasabay ng pakiusap na itago ang pagkakakilanlan.

Kaugnay nito, nagkasa ng isang mas malalim na imbestigasyon si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa hangaring alamin kung may mga BOC personnel na sangkot sa jewelry smuggling.
Batay sa mga umiiral na reglamento, tanging mga personnel mula sa hanay ng BOC at Bureau of Immigration (BI) ang pinahihintulutang sumampa at mag-inspeksyon sa mga lumapag na eroplano pagkatapos bumaba ng mga pasahero.

Base sa ulat ng NAIA, mga Customs Boarding Inspector ang nakadiskubre at kagyat na nag-ulat hinggil sa nadiskub­reng alahas na itinago sa palikuran ng eroplanong pag-aari ng Philippine Airlines (PAL) na lumapag sa Terminal 2 ng nasabing paliparan noong ika-17 ng nakalipas na buwan.Kabilang din sa tinitignan sa imbestigasyong ikinasa ni Ruiz ang mga PAL flight crew, mga itinalagang tagalinis at mga empleyado ng catering service.

112

Related posts

Leave a Comment