Nalagpasan ng Bureau of Customs Port of Subic ang kanilang collection target para sa buwan ng Hunyo.
Base sa report, ang Port of Subic ay nakapagtala ng positibong pagtaas na 17.98% laban sa target para sa buong buwan ng Hunyo.
Ang target ng Port of Subic para sa naturang buwan ay P1,828,950,000.00 habang ang kanilang actual collection ay umabot sa P2,157,827,739.32.
Dahil dito, nagresulta ng P328,877,739.32 o katumbas ng 17.78% positibong lagpas.
Ang Port of Subic ay anim na buwan nang sunud-sunod na nakakalagpas sa kanilang monthly collection targets.
Kaugnay nito, ay binati ng pamunuan ng BOC si District Collector Maritess Martin at ang lahat ng kawani ng Port of Subic sa kanilang naging ambag na nagresulta ng magandang koleksyon ng nasabing pwerto na dala-dala ang motto na, “Service in the heart of Port of Subic’ priorities. We value our partners and stakeholders.” (Jo Calim)
114