Kaso isasampa na rin ng BOC P30-M WHITE ONION TIMBOG SA TONDO

SA kabila ng paghihigpit na ipinatutupad ng Bureau of Customs (BOC), nagawa pa rin ng isang sindikato maipuslit sa bansa ang hindi bababa sa P30 milyong halaga ng puting sibuyas na pangunahing sangkap sa mga pagkaing ihahanda sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon.

Gayunpaman, tiniyak ng pamunuan ng BOC na agad na bubusisiin ang onion smuggling sa isang imbestigasyon, kasabay ng pagtitiyak na pananagutin ang mga responsab­le sa naturang bulilyaso.
Kasama ang Department of Agriculture (DA), DA Wide Field Inspectorate (WFI), Bureau of Plant Industry (BPI) at Philippine Coast Guard (PCG), sinalakay kamakailan ng mga operatiba ng kawanihan ang isang bodega sa Kalye Sto. Cristo sa Tondo, Maynila kasunod ng mga natanggap na intelligence report hinggil sa ipinuslit na kargamentong una nang idineklara sa mga isinumiteng dokumento bilang “bread and pastries.”

Sa imbentaryo, lumalabas na abot sa 100 metriko tone­lada ng “white onion” ang kinumpiska sa naturang operasyon kontra agri-smuggling. Pagtataya ng BOC, papalo sa P30 milyon ang halaga ng nasamsam na smuggled na sibuyas. Kwento pa ng isang opera­tiba, hindi pa nailalabas sa mga 40-foot container ang mga sibuyas nang pasukin ang target na bodega.
(JOSE OPERARIO)

37

Related posts

Leave a Comment