KAWANIHAN KAISA NG KABABAIHAN

SA pagtatapos ng taunang pagdiriwang ng International Women’s Month, binigyang pagkilala ng Bureau of Customs (BOC) ang kontribusyon ng mga makabagong Eba sa loob ng kawanihan.
Sa temang ‘A Day Dedicated to Women’s Health and Well-Being,’ naglunsad ng kabi-kabilang serbisyong pangkalusugan ang BOC, kasama ang Philippine Red Cross at mga pribadong kumpanyang sumusuporta sa sektor ng kababaihan.

Kasabay ring nagbigay ng balik-alindog program – libreng facial, spa, massage at hair treatment – ang 17 distrito sa ilalim ng pangangasiwa ng ahensya.

Para kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga babaeng opisyales at kawani ng pinamumunuang ahensya – sa larangan ng koleksyon, implementasyon ng reporma at iba pa.
(JOSE OPERARIO)

71

Related posts

Leave a Comment