LATEST CUSTOMS POLICIES AND PROCEDURE TINALAKAY SA WEBINAR NG BOC-CDO

TINALAKAY ng Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro ang hinggil sa pakikipag-ugna­yan sa kanilang stakeholders sa bagong instalasyon ng Webinar sa Latest Customs Policies and Procedure noong Mayo 10, 2023 via Zoom at Facebook Live.

Ang Stakeholders ng Port of Cagayan de Oro, mga miyembro ng Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI) Northern Mindanao, Customs Brokers Representative Association (CBRA) Northern Mindanao, kasama ang Bureau of Customs employees, ay nakiisa sa nasabing webinar.

Kabilang sa speakers ay si Collector Vincent Villanueva ng Sub-Port of Ozamiz na tinalakay ang paksa tungkol sa Customs Jurisdiction and Exercise of Police Authority sa konteksto nito, at ang mahahalagang puntos ng implementing rules and regulations.

Samantala, si Prof. Jesus Llorando, Deputy Collector for Assessment, ay tinalakay naman ang paksa hinggil sa Enhancing Trade Facilitation while Maximizing Revenue Collection kung saan binigyang-diin nito ang papel ng Bureau of Customs sa pagpapasimple at pagkakaisa ng customs procedures para mapadali ang paggalaw ng mga kalakal sa international trade sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act. Ilan sa stakeholders ay nagkaroon ng oportunidad para isumite ang kanilang mga alalahanin sa Open Forum na kung saan ang mga opisyal ng Port of Cagayan de Oro ang kanilang nakaharap.

Kaugnay nito, hinihikayat ni District Collector Alexandra Y. Lumontad ang stakeholders na makiisa sa mga ganitong pakikipag-ugnayan para mamantina ang maayos na relasyon sa bawat isa at matugunan ang iba’t ibang alalahanin sa kanilang araw-araw na transaksyon sa Port of Caga­yan de Oro. (JO CALIM)

106

Related posts

Leave a Comment