(Ni JOEL O. AMONGO)
NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA ang anim na kahon ng liquid marijuana na idineklara bilang “ULEI CBD full plant extract” na galing sa bansang Romania noong Setyembre 20, 2019.
Lumitaw na matapos ang isinagawang masusing physical examination sa package ng Customs examiner sa presensya na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Post Office (Philpost), Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), X-Ray Inspection Project (XIP), Enforcement Security Service (ESS), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ay tumambad ang nasabing ilegal na droga.
Mula sa test na isinagawa ng PDEA lumitaw na ang nasabat na liquid substance ay nagpositibo sa presensya ng tetrahydrocannabinol, isang substance ng marijuana.
Ang mga box ay pawang may labeled na “Lady Mary Farm Cannabidiol CBD Oil Bio” at covered ng Philpost Tracking No. CO979705967RO, na naka-consign kay Jeffrey Ciabal Perez ng 0690 Purok 6 San Lucas 2, San Pablo City, Laguna, at ipinadala ng Bayer Jasilica ng Gr. Miko Imre, Sf. Gheorghe, Romania.
Kaugnay nito, sinampahan ng kaso si Perez ng paglabag sa Section 4 (Importation of Dangerous Drugs) of Article II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act); at Section 1401 (Unlawful Importation) of R.A. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
Ang Customs-NAIA ay aktibo sa pagsabat ng mga ilegal na droga sa mga passenger terminals at air parcels.
135